PORT-AU-PRINCE (AFP)— Mahigit sa 200 mga bilanggo ang pinagtutugis sa Haiti noong Biyernes isang araw matapos silang umeskapo mula sa kulungan sa isang marahas na pagtakas na nag-iwan ng 25 kataong patay, kabilang ang director ng bilangguan, sinabi ng mga opisyal.

“Twenty-five people died including six prisoners and Divisional Inspector Paul Hector Joseph who was in charge of the prison,” sinabi ni Secretary of Communication Frantz Exantus tungkol sa pagtakas ng 400 preso noong Huwebes mula sa mga kulungan sa mga bayan ng kabisera ng Port-au-Prince.

“Among those killed were some ordinary citizens who were killed by the prisoners during their escape,” sinabi ni Exantus sa isang press conference, idinagdag ang 1,125 sa 1,542 na bilanggo sa high-security Croix-des-Bouquets prison ay nasa kanilang mga selda noong Biyernes ng umaga. May 200 preso pa ang pinaghahanap. Ang isa sa mga preso na namatay ay ang pinuno ng gang na si Arnel Joseph, na pinaputukan noong Biyernes sa isang police check may 120 kilometro sa hilaga ng bilangguan.

“Arnel Joseph was killed while attacking a police patrol which had stopped the motorcycle he was on. The police responded and Arnel Joseph is dead,” sinabi ni Exantus.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina