ni Zaldy Comanda

BAGUIO CITY – Sinalakay ng Baguio City Police Office (BCPO) at Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera Administrative Region (PDEA-CAR) ang isang drug den na ikinaaresto ng anim kataosa Kayang Hilltop sa nasabing lungsod, kahapon.

Kinilala ni BCPO Director Allen Rae Co, ang mga suspek na sina Francis Juan Conting,43; Gina Licadao, 28; Elmo Amirmten,Jr.,45; Suler Paulino Gaspar,50; Carlis Abol Ticawa,62 at Dominador Giron Ragudo,49.

Isinagawa aniya ang operasyon batay na rin sa search warrant na inilabas ni Baguio Regional Trial Court Executive Judge Maria Kigaya Itluong- Rivera, Branch 5.

National

PBBM, ikinababahala epekto ng impeachment para sa ekonomiya, 'di para sa sarili–Palasyo

Aabot sa P340,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa mga suspek na kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.