LOS ANGELES (AFP) — Inilipat ng ospital sa Los Angeles si golf icon Tiger Woods matapos sumailalim sa surgery ang mga napinsalang paa bunsod ng aksidente sa kanyang luxury car nitong Miyerkoles.
Ipinahayag ng Harbor-UCLA Medical Center na inilipat si Woods sa Cedars-Sinai Medical Center para maipagpatuloy ang ‘orthopedic care and recovery”.
Hindi na nagbigay nang iba pang detalye ang nasabing ospital hingil sa kaganapan dahilan sa ‘patient confidentiality’.
“On behalf of our staff, it was an honor to provide orthopedic trauma care to one of our generation’s greatest athletes,” pahayag ni Dr. Anish Mahajan, Harbor-UCLA’s chief medical officer.
Ang Harbor-UCLA Medical Center ay isang Level 1 trauma center na bihasa sa ‘surgical and other care ‘ para sa injuries na tulad nang natamo ng 45-anyos nat itinuturing ‘greatest athlete’. Tanyag naman ang Cedars- Sinai bilang Sports Medicine Institute na takbuhan ng mga professional athletes para sa rehabilitation program bunsod ng sports-related at orthopedic injuries.
Nasaktan si Woods sa aksidente nitong Miyerkules nang bumulusok at nagpa-ikot-ikot sa kalsada ang sinasakyang 2021 Genesis SUV sa Los Angeles suburb.
Naunang naipahayag ni Mahajan na nagtamo si Woods ng pinsala sa tibia at fibula bones sa kanang paa.
Dagok sa career at personal na buhay ni Woods ang panibagong aksidente. Target niyang pantayan ang 18 major championship na taglay ni Jack Nicklaus matapos matagumpay na pantayan ang 82 victories sa PGA Tour.