ni Annie Abad
ISYUNG pangkalusugan ang pagu-usapan sa pagbabalik ang Philippine Sports Commission (PSC) Rise Up! Shape Up! episode ngayon via Zoom.
Tampok sa nasabing programa si 2015 Southeast Asian Games cycling gold medalist Marella Salamat.
Isa si Salamat sa mga kilalang woman athlete na nagbigay ng karalan sa bansa ng makilang ulit bukod pa sa biennial meet ay nag-uwi din ito ng bronze medal sa 2016 World University Cycling Championship women’s road race event.
Bagama’t nitong 2018 Asian Ganes sa Jakarta Indonesia ay hindi nakalahok si Salamat dahil sa kanyang pagpapatuloy sa pag-aaral ng dentistry, ay naging aktibo naman ito sa kanyang paboritong sports. Bago pa man naging kampeon sa cycling ang 26-anyos na na si Salamat ay una itong maglaro ng bowling, kung kaya naman siguradong kabisado nito ang mga tamang pamamaraan kung paano panatilihing maayos ang pangangatawan.
“It is a hope that the increasing interest in it so that a lot more can be involved in this sport aside from being a physical activity that can make Filipinos healthy,” pahayag naman ni PSC Commissioner Celia Kiram.
Si Kiram ang siyang mangunguna para sa Women in Sports program ng PSC.
Ang nasabing yugto ng programa ay tatalakay ukol sa temang Cycles of Life, na halaw sa libro ni na siya ring sumulat ng Grace Eleazar, The Soul Speaks and A Gift: A Spiritual Journey on Love.