ni Zaldy Comanda
TINGLAYAN, Kalinga – Sinunog ng mga awtoridad ang P7.9 milyong halaga ng marijuana nang matunton ang limang plantasyon nito sa dalawang araw na operasyon sa kabundukan ng Bgy. Loccong sa nasabing bayan.
Ayon kay Kalinga Provincial Police Office chief, Co. Davy Limmong, tumulong ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Kalinga at Region 2 sa kanilang operasyon na sinimulan nitong Pebrero 15.
Aniya, binunot muna nila ang mga marijuana sa limang taniman bago nila sinunog.