ni Annie Abad
IKINALUNGKOT ni 2019 Southeast Asian Games (SEAG) gold medalist Margielyn Didal ang pagkakansela ng Olympic qualifying ng skateboarding na gaganapin sana sa Peru ngayong Marso.
Sanhi ng pandemya, minarapat ng organizer na kanselahin ang naturang qualifying round.
“Sobrang sad. I mean, it’s because di kami makakapag- skate. But then, in a way it’s the best way to get rid of the virus. We just have to stay safe,” pahayag ni Didal sa kanyang pagpapaunlak sa Philippine Sports Commission (PSC) Hour kahapon kasama ang kanyang head coach na si Dani Bautista.
Ngunit, handa anumang oras at nasa kundisyon ang 20-anyos na si Didal sakaling mapasabak ito sa Olimpiyada ayon naman kay Bautista.
“Yes we are ready. We are skating. So definitely we are ready,” pahayag ni Bautista.
Sa world ranking ay kasalukuyang nasa ika- 14 si Didal at hindi malayo na ito ay makasampa sa Tokyo Olympics ngayong taon kung ito ang pagbabasehan sa pagpili. Sa Asian ranking, posible umanong nasa numero uno si Didal.