Xinhua
GENEVA - Ang Earth Hour, isang flagship global environmental movement ng World Wide Fund for Nature (WWF), ay digital na mamarkahan ngayong taon sa Marso 27 ng 8:30 ng gabi, lokal na oras sa buong mundo, inihayag ng WWF noong Huwebes.
Sinabi ng WWF sa isang pahayag sa media na habang ang mga paghihigpit ng COVID-19 ay nagpapatuloy sa karamihan ng mga bahagi ng mundo, ang virtual na kaganapan ay pagsama-samahin ang milyun-milyong mga tao mula sa buong mundo upang magbigay ng pansin sa agarang pangangailangan upang tugunan ang pagkawala ng kalikasan at pagbabago ng klima.
“With evidence pointing towards a close link between nature’s destruction and rising incidences of infectious disease outbreaks like COVID-19, Earth Hour 2021 will unite people online to speak up for nature,” mababasa sa pahayag.
Idinagdag ng pahayag na ang paglitaw ng maraming catastrophic incidents noong nakaraang taon - kabilang ang matinding mga kaganapan sa panahon, mapinsalang mga sunog at ang pagsiklab ng COVID-19 - na nagbigay-diin na ang pag-iwas sa pagkawala ng kalikasan ay mahalaga sa pag-iingat ng ating hinaharap.
Nagsimula sa Sydney noong 2007, ang Earth Hour ay lumago upang maging isa sa pinakamalaking kilusan ng grassroots sa buong mundo para sa kapaligiran. Ang pinakakaraniwang pagdiriwang ng kaganapan ay upang patayin ang mga ilaw para sa isang oras upang maakit ang pansin ng publiko sa krisis sa kapaligiran.
Upang makilahok sa virtual na kaganapan sa Earth Hour ngayong taon, sinabi ng WWF na hinihimok nito ang mga tao na itaas ang kamalayan at lumikha ng parehong unmissable sight sa online, upang ibahagi hangga’t maaari ang isang “must-watch video” na ipapaskil sa WWF social media pages.
“Our goal is simple: put the spotlight on our planet and make it the most watched video in the world on March 27 so that as many people as possible hear our message,” sinabi ng WWF sa official website nito.