ni Marivic Awitan

NAGPATULOY sa kanyang impresibong kampanya si Filipino e-Kata world No. 1 James de los Santos matapos magdagdag ng dalawa pang gold medals sa kanyang koleksiyon.

Muling iginupo ni De Los Santos si Alfredo Bustamante ng US (United States), 25.4-24.34,upang magwagi sa Athlete’s eTournament Series #1 nitong Lunes.

Nauna rito, tinalo niya ang Amerikano noong Pebrero 19 para tanghaling kampeon ng Budva Winner-Aria Cup #1 eTournament.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang isa pang gold at kanyang ikapitong gold medal sa taong ito matapos magwagì sa Adidas USA Karate Open E-Tournament #2 pagkaraang gapiin ang Romanian na si Andrei Nedelcu sa finals, 25.1- 24.7. Dahil sa nasabing panalo, umabot na sa kabuuang 43 ang bilang ng napanalunang gintong medalya ni Delos Santos. Pinatibay din nito ang ang pangingibabaw sa eKata world rankings taglay ang 19,470 puntos.

Pinakamalapit nyang katunggali si Matias Moreno- Domont ng Switzerland na may 10,020 puntos.