Ni MARTIN SADONGDONG

Nailigtas ng pulisya ang apat na Intsik na biktima ng pagdukot sa ikinasang operasyon sa Quezon City at Mexico, Pampanga, na ikinaaresto ng apat na Chinese at pitong Pinoy na kasabwat ng mga ito, kamakailan.

NABISTO Nasa kustodiya na ng PNP-Anti-Kidnapping Group sa Camp Crame ang 11 na suspek sa pagdukot sa apat na Chinese matapos

National

ITCZ, easterlies patuloy na nakaaapekto sa PH — PAGASA

silang arestuhin sa Quezon City at Mexico, Pampanga, kamakailan.

(MARK BALMORES)

Sa pahayag ni Brig. Gen. Jonnel Estomo, hepe ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (AKG), nauna nilang inaresto sina Liang Khai Chean, isang Malaysian; Mou Yun Peng, isang Chinese; at Benjie Labor nang salakayin ang isang medical diagnostic center sa Amoranto St., Quezon City, nitong Pebrero 24.

Ayon kay Estomo, bago ang pagsalakay ay nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang diagnostics laboratory sa lungsod na isang Ming Xuanbo, umano’y biktima ng pagdukot, ang nakatakdang sumailalim sa swat test bago pa ito makabalik ng China.

Pagkatapos ng unang operasyon ay ibinunyag ni Ming na mayroon pang tatlong biktima ng pagdukot at itinago sa isang

safe house ng mga suspek sa Mexico, Pampanga na kaagad na sinalakay na humantong sa pagkakaligtas sa mga biktimang sina

Zhang Wei, Shi Li Wen, at Wu Xin, pawang Chinese, nitong Miyerkules ng gabi.

Naaresto rin sa naturang pagsalakay sina Zhang Jin Xu at Teryanto, kapwa Chinese; mga kasabwat na sina Jean Dominic, Keannu Louis Mateo, John Joderick Bautista, Ronald Allan Rosal, Lewis Yuson, at Mark Jeric Cruz.

Ipinahayag pa ni Estomo, pinahirapan ng mga suspek ang mga biktima kapalit ng malaking halaga.

Ang mga suspek ay nakakulong na ngayon sa PNP-AKG sa Camp Crame sa Quezon City habang inihahanda ang isasampang mga kaso.