Sa kabila ng malawakang pagtutol sa anumang pagsusulong na maamyendahan ang Konstitusyon sa panahon nang nababalot ng problema ang bansa dulot ng pandemya ng COVID-19, plano pa rin ng House of Representatives na maipagpatuloy ang pagtalakay sa usapin sa linggong ito.
Kamakailan, nagkaroon ng napakalaking panalong botong 64-3-3 ang House Committee on Constitutional Amendments upang gamitin ang Resolution of Both Houses 2 (RHB2) upang maamyendahan ang ilang probisyon ng Saligang Batas upang pahintulutan ang Kongreso na gumawa ng batas upang pahintulutan ang foreign investments sa bahagi ng national
economy na ngayo’y sarado sa mga banyaga.
Isa sa dahilan nang pagtutol sa nasabing hakbang, katulad ng pahayag nina Rep. Alan Peter Cayetano at Rep. LRay Villafuerte, ay hindi pa panahon upang “guluhin” ang Konstitusyon dahil nakikipaglaban pa rin ang bansa sa pandemya.
Isa pa sa rason ni Rep. Mike Defensor, ay dapat makipag-usap muna ang House leadership sa Senado kung kailangan pang pagpulungan ang dalawang kapulungan o magbotohan sa mga mungkahing pag-aamyenda.
“It takes two to Cha-cha. Unless the House convinces the Senate to go on board its Cha-Cha express, the House would just be wasting precious time, effort, and taxpayers’ money,” aniya.
Wala nang silbi kung aaprubahan pa ng Kamara ang Charter resolution, gayunman, babalewalain lamang ito ng Senado.
Matagal nang ibinasura ng mga senador ang pagsusulong na maaemyendahan ang Saligang Batas, lalo ang planong magkaroon ng joint session kung saan ang 24 na senador ay matatalo lamang ng malaking bilang na 307 na kongresista.
Marahil, ang malaking pagtutol sa pagkakaroon ng charter change ng Kongreso – kaysa idaan sa isang specially elected Constitutional Convention – ay ang agam-agam na nais ng maraming opisyal na tanggalin ang limitasyon ng bilang ng taong pagsisilbi sa gobyerno mula sa kasalukuyang Konstitusyon.
Katulad ng mga kongresista, ang local officials ay pinapahintulutan lamang ng tatlong three-year terms, habang ang mga senador ay pinapayagan lamang ng dalawang six-year terms. Ang mga local official ay maaaring manilbihan hanggang sa tatlong three-year terms. Ang Pangulo at ang Bise Presidente ay maninilbihan para sa anim na taon nang walang reelection.
Sa isang pagpupulong at botohan ng Kamara at Senador kaugnay ng Charter change, magkakaroon ng open public discussions kaugnay ng pag-aamyenda ng economic provisions.
Gayunman, pinangangambahang magkaroon ng pagtatanggal sa probisyon ng kasalukuyang term limits kapag nailatag na ang final resolution nito.
Sa kasalukuyang 1987 Constitution na ginawa sa pamamagitan ng Constitutional Convention pagkatapos ng 1986 people’s movement na pumutol sa 20 taong pamamalakad ni Marcos, siyam dito ay nasa ilalim ng batas militar. Ipinapaliwanag nito ang mga limitasyong sa term of office na inilagay ng kombensiyon.
Sa magkakasunod na administrasyon pagkatapos ng 1987, may mga pagtatangka na amyendahan ang Konstitusyon, lalo na sa economic provision nito, dahil kada isa ay malapit nang matapos ang kani-kanilang termino. Gayunman, dahil sa agam-agam ng publiko, walang nagtagumpay sa mga hakbang na ito.
Maaari panahon na upang amyendahan ang mga nasabing limitasyong may kaugnayan sa foreign investments. Magbibigay din ito ng panahon upang payagan ang mga mahuhusay at subok ng opisyal na makapaglingkod sa publiko. Gayunman, kailangang laban ng naturang hakbang ang agan-agam at pangamba na mananatili ang mga hindi karapat-dapat na opisyal sa kani-kanilang paninilbihan kaysa sa nararapat dahil sa kanilang makinarya sa politika.