ni Leonel Abasola

Matapos ang walang humpay na pagtaas ng presyo ng karne ng baboy at manok, sumunod naman ngayon ang pagtaas ng presyo ng tuyo at dilis na ikinaalarma ng isang senador.

Sinabi ni Senator Grace Poe, nanagawan na siya sa Department of Trade and Industry (DTI) na kumilos kaugnay ng usapin.

“‘Yung mga kababayan nating mahihirap, nagtitiis na lamang sa pagbili ng tingi pero ang masakit nito, tingi na nga lang, ang mahal pa ng nabibili nilang tuyo at dilis sa bawat paketeng maliit. Halos ilang pirasong tuyo na lang at kakarampot na dilis ang laman nito,” sabi pa ng senador.

National

Ilang mga paaralan, nagdeklara ng kanselasyon ng klase para sa EDSA anniversary