Ni NONOY LACSON
ZAMBOANGA CITY – Nasamsam ng mga tauhan ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM) ang tinatayang aabot sa P17.3 milyong halaga ng puslit na sigarilyo na sakay ng isang bangkang pangisda sa karagatan ng Karingalan Caluang sa Sulu, kamakailan.
Paliwanag ni Bureau of Customs (BOC) Zamboanga City District Collector Segundo Barte, Jr., nasa kustodiya na nila ang F/B Princess Arlyn na lulan ang 360 kahon ng imported na sigarilyo sa Karangdato Point, Karingalan Caluang, nitong Pebrero 23.
Kagagaling lamang umano ng kargamento sa Indonesia at nakatakda sanang i-deliver sa Cotabato City, ang bagong market site ng mga imported na sigarilyo sa Central Mindanao.
Iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang kapitan ng bangka at pitong tripulante nito.