Ni MERCY LEJARDE

YESS!

Si Albert Martinez ay may pagbibidahang serye sa GMA-7 if you care to know madlang pipol.

Ito ay kinumpirma sa amin ni Ms. Marian Grace Antonio na isang Kapuso PR Girls nito lang Martes ng gabi, February 23, 2021 to be exact.

Tsika at Intriga

Ethan David sa 'grooming' issue: 'I was the 13 yrs old being referred to!'

“Opo, kumpirmadong may gagawing serye ang seasoned actor na si Albert Martinez sa Kapuso Network na malapit nang umpisahan anytime this week.” Added na sey pa ni Ms. Marian Grace Domingo.

Napag-alaman din ni yours truly na isang Afternoon Prime series na may titulong ‘Las Hermanas’ ang proyektong pagbibidahan ng premyadong aktor.

Nakipag-meeting na rin daw si Albert kasama ang creative at production teams ng programa kumakailan lamang.

Tiyak na aabangan ng fans ang iba pang detalye tungkol sa Kapuso project na ito ni Albert coz hinangaan nila ang nasabing aktor hindi lamang sa ito ay magaling sa aktingan kundi may fezlak na hindi kayang isnabin as in guwapo pa rin kahit may edad na ng konti.

So there Kapuso viewers! Wait and watch nyo ang bagong serye nang beteranong aktor na wala ngang iba kundi ang nag-iisang Albert Martinez sa mundo ng showbiz ika nga.

Yon lang and I thank you.