ni Vanne Elaine Terrazola
HINDI lang dapat bakuna para sa novel coronavirus disease (COVID-19) ang pinagtutuunan ng pamahalaan, ngunit gayundin din sa medikasyon upang magamot ito, ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III bilang pagpapahayag sa panawagan ng mga doktor.
Sa ginanap na plenary debates para sa mungkahing “COVID-19 Vaccination Program Act”nitong Lunes, ipinaabot niya sa mga senador at opisyal ng gabinete ang panawagan ng Concerned Doctors and Citizens of the Philippines (CDC-PH) sa pamahalaan na pagtuunan din ang maagang paggamot at lunas para sa COVID-19.
Ang CDC-PH, isang grupo na pinamumunuan ni dating Health secretary Jaime Galvez-Tan, ay nananawagan para sa adapsyon ng isang national protocol para sa “prevention and treatment” ng COVID-19 bilang alternatibo sa pagpapatupad ng community quarantines.
“We all know by now…that there has been in the delay in the procurement of vaccines. As of today, negotiations are still ongoing. Also, some pharmaceutical companies are experiencing challenges in their production and logistics. To be very blunt about it, somehow, there is nothing definite yet as of the moment,” ani Sotto sa kanyang pagkuwestiyon sa Senate Bill No. 2057 na itinataguyod ni Sen. Sonny Angara.
“It is for the government to focus on the treatment for COVID-19. Treatment and cure,” diin niya. “While we are waiting for the vaccines, a lot of people are being infected and dying.”
Bilang pagsipi sa pahayag ng mga doktor, sinabi ni Sotto na ang maagang paggamot sa COVID-19 “is better that controlling the spread of the virus, as well as in preventing hospitalization.”
Dagdag pa niya, makatutulong din ito sa muling pagbubukas ng ekonomiya, tulad ng ibang mga bansa na nagawang makontrol ang outbreak at muling nakapagsasagawa ng mga aktibidad bago pa man mabakunahan ang kanilang populasyon.
Aniya, ang paglalaan sa medikasyon ay makaaagapay rin sa pagtugon at paggamot sa adverse reactions mula sa bakuna.
“If you want to open the economy, you must concentrate on treatment and cure, and not wait for the vaccine. There are so many endorsed medication that I hope the Department of Health (DOH) will look into,” apela ni Sotto.
“Because we have to be very honest about it — Sec. [Francisco] Duque is very forthright about this thing — even if you are vaccinated, you are already immunized, it does not guarantee that you will not get the virus. You will still get the virus if you are not careful, so bagsak din sa (it will still end up in) treatment and cure,”paliwanag pa ng senador.
Dumalo si Duque sa Senate plenary upang tumulong kay Angara sa debate sa SB No. 2057, na layong pabilisin ang procurement ng bansa sa COVID-19 vaccines sa pamamagitan ng local government units.
Sumang-ayon naman si Angara kay Sotto, sa pagsasabing “that other countries have been able to reopen their economies because they focus on treatment and cure.”
“And perhaps, we have somewhat been reliant on the hopes brought by the vaccines,” pag-amin ng senador.
Aniya, ayon kay Duque, dalawang medikasyon ang ibinibigay ng mga doktor sa mga COVID-19 patients: Avigan, na kilala bilang fapiravir, para sa mga mild cases; at Remdesivir para sa mga pasyenteng nasa ospital sa mas malalang kaso.
Kapwa anti-viral drugs na ginagamit sa paggamot sa influenza at Ebola virus, ang dalawang gamot. Ngunit nananatiling “unproven” ang bisa ng mga ito sa paglunas at pagbawas ng mortalities dulot ng COVID-19, ayon sa mga bagong ulat.
Ani Sotto, maaaring magpatuloy ang pamahalaan sa negosasyon nito para sa pagbili ng COVID-19 vaccines, ngunit hindi nito dapat kalimutan ang paggamot sa mga pasyente tinamaan ng virus.
“Consult these doctors, because I think this is the answer, and this is being done by other countries already and they are successful,” payo niya sa awtoridad.