mula sa AFP
Kabilang ang ambassador ng Italy sa Democratic Republic of Congo sa tatlong katao na napatay nitong Lunes nang tambangan ang isang convoy ng UN sa magulong silangan ng bansa, sa karahasan na tinawag ng pangulo ng DRC na “terrorist attack” at sinisisi iyon sa isang rebeldeng grupong Rwandan Hutu.
Si Luca Attanasio ay namatay dahil sa kanyang mga sugat matapos ang isang World Food Program (WFP) convoy ay pinaputukan malapit sa Goma habang siya ay nasa isang paglalakbay upang bisitahin ang isang school feeding programme, ayon sa isang diplomatic source sa Kinshasa at WFP.
Kinumpirma ng gobyerno ng Italy ang pagkamatay ni Attanasio at sinabi na isang pulis na Italyano, si Vittorio Iacovacci, at isang drayber na hindi nito kinilala, ay namatay din.
Nagpadala ng UN peacekeepers at Congolese troops sa kanayunan sa Kibumba kung saan naganap ang pag-atake, sinusuyod ang maputik na landas sa pagitan ng napakalaking talahib
habang naghahanda sila upang mabawi ang mga katawan at tugisin ang mga sumalakay.