ni Madelaine B. Miraflor

TINITINGNAN ng Department of Agriculture (DA) ang urban aquaculture bilang alternatibong pangkabuhayan para sa mga backyard hog raisers na matinding naapektuhan ng pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.

Inilunsad kamakailan ng mga DA at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang isang urban aquaculture project sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City.

Ayon sa DA, ang naturang proyekto ang magpapakilala ng urban aquaculture bilang isang alternatibong kabuhayan para sa mga magbababoy na sinalanta ng ASF. Daan-daang backyard pigs sa Quezon City ang namatay at pinatay dulot ng ASF mula nang makarating sa Pilipinas ang nakamamatay na sakit sa mga hayop noong 2019.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa buong bansa, nagresulta ang ASF sa pagkamatay at pagpatay ng higit 500,000 baboy. Ito rin ang nagtulak sa maraming magbababoy na abandonahin ang kabuhayan.

Sa ilalim ng urban aquaculture project, ang BFAR, katuwang ang lokal na pamahalaan ng Quezon City, ay nakatakdang mamahagi ng nasa 10,000 hito at 9,000 tilapia fingerlings sa 60 identified ASF-affected hog raisers sa Barangay Bagong Silangan at Payatas, na ang mga nakatenggang kural (pigpens) ay ginawa nang fish tanks na angkop sa fish culture.

Iimbakan ang mga fish tanks ng fingerlings kasama ng recirculating aquaculture system upang masala ang dumi at makapagbigay ng dagdag na dissolved oxygen sa tubig para mapanatili ang magandang kalidad ng tubig na mahalaga sa kalusugan at paglaki ng mga isda.

Kasama rin ng assistance package ang 60 units ng filtration system at commercial feeds na tatagal ng isang cycle feeding na tatlo hanggang apat na buwan.

Para sa isang cycle, ang urban aquaculture project ay tinatayang magpo-produce ng 1.58 metric tons ng hito at 1.29 metric tons ng tilapia.

Umaasa ang BFAR na makatuwang ang mas marami pang lungsod upang makapagtayo ng mga urban aquaculture sites.

Ayon kay DA Undersecretary for Agri-Industrialization and for Fisheries Cheryl Natividad-Caballero tiyak ang pagtulong ng ahensiya sa urban communities na nais pumasok sa mga productivity-enhancing projects na tutugon sa food supply para sa publiko at magkaloob ng kabuhayan sa urban Aqua-farmers.