mula sa AFP
Ibinahagi ng Israel health ministry nitong Sabado ang datos mula sa agresibo nitong coronavirus vaccination campaign na nagpapakita na ang dalawang doses ng Pfizer/BioNTech jab ay halos 96 porsiyentong mabisa laban sa impeksyon.
Kinikilala ang inoculation campaign ng Israel bilang pinakamabilis sa mundo, kung saan ang unang dose ng Pfizer/BioNTech vaccine ay naibigay na sa 4.25 million tao mula sa siyam na milyon populasyon nitong Disyembre, ayon sa bagong health ministry figures.
Habang nasa 2.88 milyong tao ang nakatanggap ng rekomendadong dalawang doses ng bakuna.
Ayon sa health ministry nitong Sabado, napatunayan ng bakuna ang 95.8 porsiyentong bisa nito na makaiwas mula sa coronavirus infection sa mga nabakunahan dalawang linggo matapos makatanggap ng ikalawang shot kumpara sa mga hindi nabakunahan, ayon sa datos na kinalap hanggang nitong Pebrero 13.
Dagdag pa ng ministry, 99.2 porsiyentong mabisa ang bakuna laban sa malulubhang kaso at 98.9 porsiyentong epektibo sa pag-iwas sa pagkamatay.
Para sa mga sinuri isang linggo matapos makatanggap ng ikalawang dose, ang bakuna ay 91.9 porsiyentong epektibo laban sa impeksyon, 96.4 porsiyentong epektibo na makaiwas sa malubhang kaso at 94.5 porsiyentong epektibo sa pag-iwas sa pagkamatay.
“Our goal is to continue vaccinating all our population aged 16 and up, to reach a wide coverage of the population that will enable us to return to our much missed routines,” pahayag ni health ministry director general Hezi Levi nitong Sabado.
Ang bakuna na developed ng US pharma giant Pfizer at German partner BioNTech ay base sa novel mRNA technology at ang unang bakuna laban COVID-19 na inaprubahan ng West noong huling bahagi ng nakaraang taon.
Ang Israel, na isa sa may “most sophisticated medical data systems” sa mundo, ay nakapagsiguro ng sapat na stock ng Pfizer/BioNTech vaccine sa pagbabayad higit sa market price at sa pamamagitan ng data-sharing deal sa US company.