ni Bert de Guzman
ITINAPON sa basurahan ng Supreme Court (SC) na umakto bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) ang electoral protest ni dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban kay Vice Pres. Leni Robredo kaugnay ng halalan noong 2016 sa pagka-Bise Presidente.
Inihayag ni SC spokesman Brian Keith Hosaka noong Martes na ang 15 miyembro ng PET ay bumoto nang “unanimously” o buong pagkakaisa para idismis ang protesta ni Marcos laban kay Robredo noong 2016.
“Ngayon, Pebrero 16, 2021, buong pagkakaisang idinismis ng Supreme Court bilang Presidential Electoral Tribunal ang electoral protest na inihain ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo. This is in connection with Presidential Electoral Tribunal case titled: Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., protestant, versus Ma. Leonor “Leni Daang Matuwid” G. Robredo, protestee, PET Case No. 005,” ani Hosaka.
Nilinaw ng PET na idinismis nito ang protesta sa halalan dahil sa “lack of merit” at maging ang counter-protest na inihain ni Robredo ay idinismis din.
Pahayag ni Hosaka: “Sa 15 miyembro ng PET na present sa pulong, pitong miyembro ang todong sumang-ayon sa dismissal samantalang walo ang nag-concur sa resulta. Habang sinusulat ko ito, hindi pa naibibigay ni Hosaka ang mga pangalan ng PET members na ganap na nag-concur sa dismissal at iyong nag-concur sa resulta dahil hindi pa siya nabibigyan ng kopya.
Hindi rin niya masagot kung aapela pa si Marcos sa dismissal ng electoral protest case. Aniya, ang lahat ng parties sa kaso ay bibigyan ng mga kopya ng PET’s resolution.
Magugunitang noong Hunyo 29, 2016, nag-file si Marcos ng election protest na naglalayong i-nullify ang panalo ni Robredo sa vice presidential race. Hiniling niya sa PET na balewalain ang proklamasyon bilang vice president.
Batay sa official tally ng National Board of Canvassers (NBC), si Marcos ay natalo sa botong 263,473 kay Robredo. Noong 2016 elections, natamo ni Robredo ang 14,418,817 boto samantalang si Marcos ay nagtamo ng 14,155,344.
Samantala, sinabi ni VP Leni na ang desisyon ng PET ay hindi lang tagumpay niya kundi tagumpay ng sambayanang Pilipino. “Matapos ang halos limang taon, lumitaw ang katotohanan, ang tunay na kapasiyahan sa 2016 elections ay napatotohanan. This is not just my victory or of our team, this is our victory”. Pinasalamatan din niya ang mga miyembro ng PET.
Tinatanong ako ng dalawang kaibigan--sina palabiro-sarkastiko at Senior jogger: “Papaano na yung multi-milyong pisong bond ni Bongbong na nakalagak sa PET? Mababawi pa ba ito o hindi na?” Yan ang hindi ko alam.
Natutuwa ang mga Pilipino sa pinakahuling desisyon ni Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD) na magpabakuna sa publiko. Kapag ginawa raw ito ng Pangulo at siya’y naging ligtas, sila man ay magpapabakuna na rin dahil mabisa at ligtas pala ang mga bakuna mula sa iba’t ibang manufacturer. Ang tanong ay ito: Sa braso ba o sa puwit (pigi) tuturukan si PRRD