ni Nora V. Calderon

 UNANG pinatunayang isa siya sa mga top-caliber actresses sa GMA Network, si Pauline Mendoza ay tinaguriang promising drama actress simula pa sa mahusay na pagganap niya sa Kambal, Karibal noong 2017. Ngayon, gagampanan niya ang una niyang leading role as Iris Salvador sa GMA Afternoon Prime drama series na Babawiin Ko Ang Lahat.

Tsika at Intriga

Andi Eigenmann, pinabayaan na raw ba talaga sarili niya?

Labis ang pasasalamat ni Pauline sa GMA sa pagbibigay ng tiwala sa kanya na gampanan ang top role sa serye, sa kabila ng pressure na naramdaman niya sa pagbibida sa serye.

“Hindi naman mawawala yung pressure at kaba lalo na dahil ito ang first time na nabigyan ako ng ganitong chance at opportunity ng GMA, and I’m very thankful for that. Mas na-challenge talaga ako rito kasi bawat eksena sobra ‘yung ibinibigay kong emosyon para sa character ni Iris. Pero lahat ng characters namin dito may kani-kaniyang pinagda-daanan at iba-ibang klaseng emosyon ang ibibigay namin sa seryeng ito.”

Ilan sa mga makakasama ni Pauline sa serye sina Carmina Villarroel, John Estrada, Tanya Garcia-Lapid, Neil Ryan Sese, Kristoffer Martin, Dave Bornea, Therese Malvar, Manolo Pedrosa at marami pang iba, sa direksyon ni Jules Katanyag.

Mapapanood na ang Babawiin Ko Ang Lahat simula ngayong Lunes, February 22 sa GMA-7.