ISANG editorial ang inilabas ng pretihiyosong journal, ang Science, kamakailan na nananawagan para sa isang pandaigdigang pagsisikap upang makapag-develop ng isang universal coronavirus vaccine na mananatiling epektibo laban sa iba pang uri ng kaparehong virus na maaaring makalipat sa tao.
Ayon kay Wayne Koff, pinuno ng Human Vaccines Project, at Seth Berkley, na nangunguna sa global vaccine alliance Gavi, bagamat malayo pa bago mawakasan ang COVID-19 pandemic, hawak na ng sangkatauhan ang kagamitan na tatapos rito at sumasailalim na sa “most rapid immunization campaign” sa kasaysayan.
Ngunit babala ng dalawa: “More virulent and deadly coronaviruses are waiting in the wings. Thus, the world needs a universal coronavirus vaccine.”
Kabilang ang SARS-CoV-2 sa malawak na grupo ng viruses, na may libu-libong uri, na kilala sa kanilang “crown-like appearance,” na nagmumula sa spike proteins na umuusbong sa balat nito.
May kakayahan itong makahawa sa malawak na uri ng mga hayop, mula sa mga paniki at pangolins hanggang sa baboy at mink.
Apat na kilalang coronavirus ang nagdudulot ng common colds sa tao, at hindi nabibigyan ng prayoridad sa pananaliksik, base sa kasaysayan.
Nagbago ito sa 2002 SARS-CoV-1 outbreak na kalaunan ay kumitil ng nasa 8,000 katao na may fatality rate na 10 porsiyento.
Ang Middle East respiratory syndrome coronavirus (MERS-CoV) naman noong 2012 ay 34 porsiyentong nakamamatay.
Pagbabahagi nina Koff at Berkley, may banta na maaaring mag-mutate ang SARS-CoV-2 sa paraan na magpapababa sa bisa ng kasalukuyang bakuna—tulad ng nakita sa South African variant — o maaaring ‘di maging epektibo.
Dagdag pa rito, lumalago rin ang potensiyal para sa iba pang uri ng coronaviruses na tumawid sa species barrier.
“Modern agricultural practices, viral evolution, and relentless human encroachment on the natural environment mean there is an increasing risk of people encountering previously isolated animal populations that harbor new strains with pandemic potential,” anila.
“With human migration, population growth, urbanization, rapid global travel, and climate change hastening the spread, it has never been easier for outbreaks to turn into epidemics and escalate into pandemics.”
Samantala, iginiit nila, na nakatulong nang malaki ang “advances in biomedical research, computing and engineering sciences” sa bagong panahon ng pagkadiskubre ng bakuna.
Maaaring makatulong ang mga high performance supercomputers upang matukoy ang bagong “antigens” — ang “key viral proteins” na nagtutulak ng immune responses, na ginagamit ng bakuna upang sanayin ang ating katawan.
Maaari ring magamit ang databases ng “genetic sequences of animal coronaviruses” upang maging modelo kung paano ito nag-e-evolve. Gayundin ang pananaliksik sa kung paanong bumababa ang immune systems base sa edad na maaaring makatulong upang mapabuti ang disenyo ng bakuna.
“This must be a worldwide effort. A roadmap is needed to lay out the core scientific issues as well as a framework for funding and sharing of information, data, and resources,” paalala ng mga siyentista.
Hindi ito magiging madali, anila, ngunit “if we choose to wait for the next coronavirus to emerge, it may be too late, as it was with COVID-19.”