ni Ivy Tejano
DAVAO CITY – Sampung lugar sa Mindanao ang isinailalim sa Signal No.1 kaugnay ng paghagupit ng bagyong ‘Auring’ kahapon.
Kabilang sa mga ito ang Davao City, Davao del Norte, Davao de Oro, Davao Oriental, Surigao del Sur, Surigao del Norte, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Southern Leyte, at Camiguin.
Kahapon, lumikas ang karamihan sa mga residente sa Davao de Oro dahil sa patuloy na pagkilos ng bagyo. Tiniyak naman ni Davao de Oro Provincial Governor Tyron Uy na nakahanda na ang disaster risk reduction and management team ng lalawigan upang umagapay kasabay ng panawagan sa mga residente na maging alerto sa posibleng landslides at flashfloods.
Inaasahang maapektuhan ng bagyo ang Eastern at Central Visayas, iba pang bahagi ng Northern Mindanao, Lanao del Sur, Cotabato, at Davao City.