CARACAS (AFP) — Sinimulan nitong Huwebes ng Venezuela ang pagbabakuna ng health care workers laban sa coronavirus gamit ang Russian Sputnik V vaccine, tulad ng sinabi ng gobyerno na nilayon nitong mabakunahan ang 70 porsyento ng populasyon sa pagtatapos ng taon.

Si Glendys Rivero, 37-taong-gulang na surgeon mula sa Los Teques sa hilaga ng bansa, ang unang nakatanggap ng isa sa 100,000 dosis na dumating.

“We started this first phase of immunization on the right foot, in this fight against the pandemic and for the defense of the health of the people,” sinabi ni President Nicolas Maduro sa Twitter.

Kasama ang medical personnel, pulisya, sundalo, parliamentarians at iba pang mga lingkod-bayan sa mga unang makatanggap ng mga bakuna sa Venezuela.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina