HINDI maikakaila na kakaiba ang pamumuhay sa tinaguriang ‘New Normal’, ngunit may hatid na bagong pag-asa ang laban ng Pinoy sa bagong taon. May bagong simula para sa bagong kinabukasan na haharapin sa buhay.

Sa antas ng pakikibaka sa buhay, kaakibat ang Ginebra San Miguel para itaas ang morale ng Pilipino sa panahon na pinaghihinaan ng loob bunsod ng samu’t saring suliranin, higit ang pandemya ng COVID-19 na sumukat sa character ng bawat isa.

Kipkip ang bagong panawagan na “Bagong Hamon, Bagong Tapang,” nais ng Ginebra San Miguel na makapagbigay ng inspirasyon at maigayak ang katauhan ng Pinoy sa gitna nang paglaban ng sambayan sa hamon ng ‘new normal’ . Taglay nito ang paglalahad sa katangian ng Pinoy --“ganado,” “matapang,” “lumalaban,” at “nagkakaisa.”

Tulad sa palakasan, sinasalamin ng ‘Never say Die’ spirit ng koponan ng Ginebra ang hindi basta-basta pagsuko ng mga tagahanga sa kabila ng gipit at alanganing sitwasyon para maipanalo ang laban.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Inilunsad ang bagong anunsiyo ng Ginebra nitong Enero 1 kung saan inilalahad at ipinakikita ang pinagdaanang hirap ng Pinoy para labanan ang pandemya at ang pamamaraan para makabangon at maitaguyod ang pamilya, gayundin ang patuloy na pagtulong sa kapwa.

“Filipinos have always been strong and resilient as a people but the new challenges we face today unleashed a new kind of strength and resilience we never thought we had. Today, we are ready to move on and ready to take new opportunities. We have a chance to reinvent and to create a better world where we can all work, succeed, and celebrate in the new normal. We cannot re-write the past, but we can learn from it. We evolve and we adapt. Kailanganharapin ang bagonghamon ng may bagongtapang, isangbagongtapangnahinubog ng pandemya.’ Ginebra San Miguel is one with the Filipinos and one with the nation in building this new future,” pahayag ni Ginebra San Miguel Marketing Manager Ron Molina.

Mapapanood at matutunghayan ang bagong Ginebra San Miguel video sa https://www.facebook.com/30624749384/videos/258000672414690

Sa tuwina, nakapagbibigay ng inspirasyon ang mga award-winning campaign ng Ginebra bunsod nang taglay nitong istilo na naglalarawan sa matandang kultura ng Pinoy tulad ng ‘tagay’ na sumisimbolo sa pagkakaisa, samahan at Bayanihan spirit.

Kamakailan, pinarangalan ng Catholic Mass Media Awards (CMMA) ang Ginebra San Miguel’s digital ad “Tapang na Tunay” bilang Best Branded Digital Ad kung saan ipinakita ng One Ginebra Nation ang kahalagahan ng pagkakaisa at sakripisyo ng frontliners para labanan ang pandemya.