ni Annie Abad

KABUUANG 560 atleta ang posibleng kumatawan sa Team Philippines para sa Vietnam 31st Southeast Asian Games (SEAG) sa Nobyembre 21, hanggang Disyembre 2, 2021.

Ito ang ipinahayag ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino matapos abrubahan ng POC Executive Board ang numero nitong Huwebes.

Sasabak ang mga atleta sa 520 events ng kabuuang 38 sa 40 sports na lalaruin sa Vietnam biennial Games.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Gayunman, posibleng mabawasan pa rin ang nasabing bilang ng mga atleta gayung kailangan pa rin dumaan ang listahan sa istriktong selection process ng SEAG committee.

“The basis of selection primarily hinged on those athletes who won medals [of any color] in the 2019 SEA Games that we hosted,” ani Tolentino.

“We also looked at events where the potential of winning the gold medal is very high, as justified by an athlete or athletes performance in 2019,” dagdag pa nito.

Sa nakaraang SEA Games hosting ng bansa noong 2019, umabot sa kabuuang 1,115 atleta ang sumabak. Nakatakda ang deadline ang SEA Games organizers ng pagsusumite sa final list ng mga atleta ngayong Marso 2.