ni Mary Ann Santiago
Pinawi ni Manila City Mayor Isko Moreno ang pangamba ng mga residente sa bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
“I respect your doubts and fear of vaccine but we have to be practical,” sabi ng alkalde kasabay ng panghihikayat niya sa mga residente ng lungsod na magpabakuna at pag-aralan ang pakinabang nang mga mababakunahan at ang disadvantages ng mga tatanggi nito.
“’Di ko maiaalis dala na rin ng kasaysayan o naganap ilang taon nang nakakaraan but remember, let us be practical. I encourage each and everyone for the simple reason that anything above zero is positive,” sabi nito.
Binanggit ng alkalde na may napakalaking kalamangan ang mga taong magpagpapabakuna pagdating sa benepisyong makukuha rito kaysa sa mga tatangging magpabakuna. Ginagarantiyahan din ng alkalde na ang bakunang gagamitin ay sinertipikahang ligtas ng local health authorities, tulad ng Food and Drug Administration (FDA) at ito ay libre