ni Marivic Awitan
MULING sumampa sa podium si Tokyo Olympics-bound pole vaulter EJ Obiena matapos magwagi ng bronze medal sa 2021 Copernicus Cup sa Torun, Poland nitong Miyerkoles.
Ito na ang pang-apat na medalya ni Obiena ngayong 2021 kasunod ng dalawang gold medals sa Germany at silver nitong nakaraang linggo sa Orlen Cup.
Nabigo si Obiena na makamit ang kanya sanang ikatlong gold ngayong taon matapos mahigpit na pakikihamok kay dating 2-time world champion Sam Kendricks at hometown bet Piotr Lisek sa final 5.87 meter jump.
Lahat sila ay hindi pawang nabigo na lagpasan ang naturang taas.
Nakamit ni Kendricks ang gold matapos matalon ang baras na itinaas sa 5.80 meter.
Kapwa nakatalon ng 5.72 meters sina Obiena at Lisek ngunit napunta sa huli ang silver medal pagkaraang magawa iyon sa lob lamang ng isang attempt kumpara kay Obiena na nakadalawang attempts