Ni ARGYLL CYRUS GEDUCOS

Inaasahang dadagsain ang Pilipinas ng karne ng baboy.

Ito ay matapos tiyakin ng pamahalaan na aaprubahan nito ang rekomendasyon ng Department of Agriculture (DA) na taasan pa ang pinakamababang damo ng karne ng baboy na aangkatin sa ilalim ng minimum access volume (MAV).

Inilabas ni Presidential spokesman Harry Roque ang pahayag sa gitna nang pakikipagkasundo ng pamahalaan upang masolusyunan ang kakapusan ng karne ng baboy sa Metro Manila dulot na rin ng African swine fever (ASF).

National

Akbayan, kinondena isiniwalat ni SP Chiz na pagkatapos ng SONA lilitisin impeachment vs VP Sara

Inihayag ni Roque, mula sa dating 54, 000 metric tons, gagawing 402,210 metric tons ang MAV para sa ii-import na karne ng baboy ngayong taon.

“Ngayon, nag-aantay sa lagda ng Presidente ang MAV na mas marami po,” pahayag nito.

Ang MAV ay ang dami ng nakasaad na agricultural commodity na aangkaton ng pamahalaan na may mababang taripa. Ito ay bahagi ng pangako ng Piliinas sa World Trade Organization (WTO) upang mapabilis ang kalakalan sa pagitan ng mga bansa.