ni Bert de Guzman
PINAGTIBAY ng Kamara sa pangatlo at pinal na pagbasa ang House Bills 8631 at 8632, na nagkakaloob ng Philippine citizenship kina Spanish football player Bienvenido Morejon Marañon at Ateneo Blue Eagles Ivorian center Kakou Ange Franck Williams Kouame
Ang boto ay 206 at 210 pabor sa dalawang panukala, ayon sa pagkakasunod.
Ang pagkakaloob ng citizenship naturalization kay Marañon ay pagkilala sa kanya bilang isa sa nangungunang football players sa bansa.
Kinatawan niya ang Pilipinas sa Ceres- Negros Team, isang professional football team na naka-based sa Bacolod City, sa Asian Football Confederation (AFC) Champions League.
Samantala, si Kouame na dumating sa bansa sapul noong 2016 bilang estudyante, ay itinuring ang Pilipinas bilang kanyang tahanan.
Kinatawan niya ang paaralan sa collegiate basketball at naging isang role model sa mga kabataan bilang isang excellent sportsman. B ahagi rin sin g Gilas developmental team.