mula sa AFP

INANUNSIYO kamakailan ng British scientists na nakapag-develop sila ng isang pagsusuri upang madetekta ang womb cancer gamit lamang ang urine samples, isang malaking hakbang na maaaring makapagpabago sa masakit at ‘invasive procedure’ na kasalukuyang ginagamit.

Sa ngayon, nada-diagnose ang cancer sa pamamagitan ng biopsy, isang proseso kung saan kinakailangang ipinapasok sa katawan ang isang manipis na telescope na tinatawag na hysteroscope, upang masuri ang loob ng uterus at matanggal ang cells.

Halos 30 porsiyento ng mga kababaihan na sumasailalim sa prosesong ito ang umuulit dahil sa technical difficulties o ‘di makayanan ang sakit ng proseso, ayon sa pananaliksik.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Libu-libong babae rin sa Britain na walang womb cancer ang sumasailalim sa procedure, na may malaking pinansiyal na implikasyon para sa National Health Service (NHS) na pinatatakbo ng estado.

Isang pag-aaral mula sa Manchester University ang nakapag-develop ng isang bagong detection tool na sumusuri sa ihi (urine) o vaginal samples na maaaring kolektahin ng kababaihan sa kanilang bahay.

Sa pag-aaral, na inilimbag ng journal Nature Communications, ipinakita ang analisis ng mga samples na “correctly diagnosed 91.7 percent” mula sa mga kababaihan na may of womb cancer.

Habang nasa 88.9 porsiyento naman ang proporsyon ng kababaihan na walang womb cancer na nagnegatibo sa pagsusuri gamit ang bagong kagamitan, ayon sa pag-aaral.

“Our results show that womb cancer cells can be detected in urine and vaginal samples using a microscope,” pahayag ni Professor Emma Crosbie, na namuno sa pag-aaral.

“Women who test positive with this test could be referred for diagnostic investigations while women who test negative are safely reassured without the need for unpleasant, invasive, anxiety-provoking and expensive procedures.”

Ang bagong paraan ay ginamit sa 103 kababaihan na may cancer at 113 na may “unexplained postmenopausal bleeding” at maaaring isalang sa clinical practice kapag natapos ang expanded trials.

Ikaanim ang womb cancer na pinakamadalas na uri ng cancer sa mga kababaihan, na may 382,000 new diagnoses at 89,900 pagkamatay mula sa sakit noong 2018 sa buong mundo, ayon sa unibersidad.

Bagamat karamihan ng mga kababaihan ay tumatanggap ng maagang treatment matapos makitaan ng sintomas, kabilang ang pagdurugo matapos ang menopause, 20 porsiyento ng kababaihan na na-diagnosed sa advanced stage ay may 15 porsiyento lamang tiyansa ng survival lampas sa limang taon.