SAN FRANCISCO (AP) — Nagsalansan si Stephen Curry ng 36 puntos, tampok ang pitong three-pointers sa loob ng tatlong quarters para sandigan ang Golden State Warriors sa dominanteng 129-98 panalo kontra Cleveland Cavaliers.

BAKAS sa mukha ni Filipino-American Jordan

Clarkson ng Utah Jazz ang konsentrasyon

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

para makaiskor sa short jumper laban sa

Philadelphia 76ers. Kumana si Clarkson ng

season-high 40 puntos. AP PHOTO

Napantayan ni Draymond Green ang career high 16 assists para sa Warriors.

Kipkip ni Curry ang 13 for 19 sa floor at 7 for 11 beyond the arc, sapat para hindi na palaruin ni coach Steve Kerr sa final period kung saan alam na ang kalalabasan ng laro. Tangan ng two-time MVP ang averaged 37.3 puntos tungo sa All-Star weekend.

KNICKS 123, HAWKS 112

Sa New York, ginapi ng Knicks, sa pangunguna ni Julius Randle na kumana ng season-high 44 puntos tampok ang pitong 3-pointer, ang kakawag-kawag na Atlanta Hawks.

Tumipa rin si Randle ng siyam na rebounds at limang assists, sapat para mapukaw ang atensiyon ng fans para sa botohan sa All-Star Game sa Atlanta sa susunod na buwan.

“What else does he have to do?. The man’s an All-Star,” pahayag ng teammate niyang si RJ Barrett.

WIZARDS 131, ROCKETS 119

Sa Washington, nanaig si Bradley Beal sa duwelo laban sa dating katropang si John Wall nang pabagsakin ng Wizards ang Houston Rockets.

Hataw si Beal sa naiskor na 37 puntos sa kauna-unahang laro ni Wall sa Kapitolyo mula ng mai-trade sa Houston kapalit ni Russell Westbrook at first-round pick. Kumana si Wall ng season highs 29 puntos at 11 assists sa Rockets, naglaro na wala ang leading scorer na si Eric Gordon, gayundin sina Victor Oladipo, Christian Wood at P.J. Tucker.

BULLS 120, PACERS 112 OT

Sa Indianapolis, naungusan ng Chicago Bulls ang Indiana Pacers sa overtime.

Nagsalansan si Zach LaVine ng 30 puntos, kabilang ang 12 sa fourth period para maipuwersa ng Bulls ang extra period tungo sa panalo.

JAZZ 134, SIXERS 123

Sa Salt Lake City, nagsalansan si Fil-Am Jordan Clarkson ng season-high 40 puntos sa panalo ng Utah Jazz laban sa Philadelphia 76ers sa duwelo ng kasalukuyuang conference leaders.

Nag-ambag si Donovan Mitchell ng 24 puntos para sa ikawalong sunod na panalo ng Jazz (23-5).

Nanguna si Ben Simmons sa Sixers (18-10) na may 42 puntos. Hindi nakalaro sa Sixers si big man Joel Embiid bunsod nang pananakit ng likod.