Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS
Simula nang bumalik sa Malacañang upang tumulong sa pagbibigay ng mga impormasyon kaugnay hakbang ng gobyerno laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, naging kontrobersyal na si Presidential spokesman Harry Roque dahil sa mga sablay na pahayag nito sa publiko.
Sa kabila ng mga pang-iinsultong pag-atake, hindi pa rin ito pinapansin ni Roque at sa halip ay naging masayahin pa ito habang nakikisakay sa usapin sa pamamagitan ng paglikha ng katatawanan ng kanyang sarili na ikinatuwa ng publiko.
“Marami diyan talaga mga haters. Wala naman akong pakialam sa kanila. I don’t read them. Bahala sila sa mga buhay nila,” pagdidiin nito.
Naging kontrobersyal si Roque dahil sa mga usaping hindi nagustuhan ng publiko na kinabibilangan ng mga sumusunod:
Nang ihayag nito na isang “living experiment” ang Manila sa hakbangin ng pamahalaan laban sa pandemya.
“Metro Manila will be a living experiment and it’s an experiment that we believe we can be successful at, and it will be something that we can be proud of,” aniya.
Ikawala, ang pahayag ni Roque na hindi nakaaalarma ang naitalang 70,000 kaso ng COVID-19 sa bansa.
Binatikos ito ng publiko na nagsabing hindi dapat maliitin ni Roque ang epekto ng virus sa bansa.
“I wouldn’t really say it’s something alarming but it should concern all of us,” pahayag nito sa isang panayam noong Hulyo ng nakaraang taon.
Kaya aniya nito inilabas ang pahayag na hindi nakaaalarma ang nasabing kaso dahil 90 porsiyento nito ay mild case lamang sa nasabing panahon.
Ikatlo, nang batiin nito ang Pilipinas dahil hindi naabot ng bansa ang 40,000 na pagtaya ng University of the Philippines OCTA Reasearch Team sa kaso ng COVID-19 nang maitala lamang nito ang 36,438 cases nang matapos ang Hunyo.
“Panalo na tayo (We won)! We beat the UP prediction. Congratulations, Philippines! Let’s do it again in July,” sabi pa ni Roque.