ni Ric Valmonte
“PINAPLANO ng Kongreso na ibalik ang prangkisa ng mga Lopez. Wala akong problema dyan kung ibabalik ito. Pero, kung sasabihin mo na makapag-o-operate sila kapag nakuha nila, hindi ko sila papayagan. Hindi ko pahihintulutan ang National Telecommunication Commission na bigyan sila ng permit to operate. Hangga’t hindi binabayaran ng mga Lopez ang kanilang mga buwis, hindi ko papansinin ang inyong prangkisa at hindi ko kayo bibigyan ng lisensiya para makapag-operate. Kalokohan iyan,” wika ni Pangulong Duterte sa kanyang regular na pagharap sa mamamayan nitong nakaraang Lunes. Itong ganitong asal ng Pangulo, mula’t sapul na manungkulan siya, ay siyang ipinagngingitngit ng kalikasan. Ang problema, hindi lang siya ang pinipinsala nito. Ang buong bansa ay siyang pumapasan din ng kahirapan dulot nito. Hindi na tinantanan ang mamamayan ng mga kalamidad. Ilang magkakasunod na lindol ang naganap na halos ang Mindanao ang nakaranas ng mga ito. Nagpapaabot ang mga ito ng mensahe kaya sa isang lugar sila naganap. Mga malakas na bagyo at ulan na naging sanhi ng baha at pagguho ng lupa sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Pagputok ng mga bulkan, African swine fever, fish kill at iba pang kalamidad ang nagtulong-tulong na pahirapan ang mamamayan. Pinakagrabe ay ang pandemya na hindi tumitigil kumalat at pumatay. Nakalugmok na sa kahirapan ang bayan dahil din sa pinaiiral na mga pamamaraan sa pagbaka sa pandemya.
Ang lingkod ng bayan ay mapagkumbaba, tapat at hindi sinungaling. Kasi, ang kanyang kapangyarihan ay nagbubuhat sa mamamayan. Higit sa lahat, may higit pang makapangyarihan sa lahat at alam niya kung paano niya ipinaaalam ito sa dapat makaalam.
Nang nagtakda ng mga pagdinig ang Kongreso upang bigyan ng pagkakataon ang ABS-CBN na marinig ang kanyang panig sa kahilingan nitong maaprobaan ang hinihinging pagpapalawig ng prangkisa, dumistansiya si Pangulong Duterte sa ginawang ito ng Kongreso. Lalo na nang tanggihan nito ang pagpapalawig ng prangkisa ng ABS-CBN. Ayon sa Pangulo, wala siyang kaugnayan dito at trabaho ito ng hiwalay at patas na departamento ng gobyerno. Ngayon, ang binanggit ng Pangulo na plano ng Kongreso na ibalik ang prangkisa ng ABS-CBN ay hinggil sa mga panukalang inihain ni Buhay party-list rep. Lito Atienza sa mababang kapulungan ng Kongreso at Senate Pres. Vicente Sotto. Sa ginawang ito ng mga mambabatas nahawi ang tabing ng pagpapanggap ng Pangulo na wala siyang kinalaman sa ginawa ng mga mambabatas sa Kamara na ibinasura ang kahilingan ng ABS-CBN. Natambad na siya ang utak ng pagbasura at ang pagkatuta naman ng mga mambabatas