mula sa Agence France-Presse

ANG pagbuo ng bagong COVID-19 vaccines ay mabibigo lamang na mawakasan ang pandemya kung hindi makatatanggap ang lahat ng bansa ng doses sa mabilis at patas na paraan, babala ng mga eksperto nitong Sabado.

Sa plano ng ilang bansa na pagpapatupad ng “vaccine passports” kapag nagbalik na ang international travel, sinabi ng mga awtor ng isang open letter na inilimbag sa

Lancet medical journal na ang pag-iimbak ng bakuna ng mga mayayamang bansa ay magpapatagal lamang ng global health emergency.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Nagbabala sila na ang “vaccine nationalism” ay maaaring magdulot sa Covax initiative, na layong masuplayan ang mga low at middle-income countries, ng “huge dosage shortfall” sa mga susunod na taon.

“The stark reality is that the world now needs more doses of COVID-19 vaccines than any other vaccine in history in order to immunise enough people to achieve global vaccine immunity,” pahayag ni lead author Olivier Wouters ng London School of Economics and Political Science.

“Unless vaccines are distributed more equitably, it could be years before the coronavirus is brought under control at a global level.”

Sa kabila na higit dalawang dosena ng COVID-19 vaccine ang binubuo o naaprubahan na ang paggamit, nananatili ang malaking logistical challenges ng mga lower income na bansa sa pagkuha ng bakuna at pamamahagi nito sa populasyon.

Kabilang dito ang kakulangan ng pondo sa pagbili ng bakuna, gayundin ang mahinang imprastraktura upang maibiyahe at mailagak ito—lalu na’t ang mRNA vaccines na nasa merkado ay kinakailangang panatilihing ‘ultra cold’ sa buong delivery nito.

At sa kabila ‘unprecedented’ public at private investment sa pagbuo ng bakuna at procurement nito, tinataya ng Covax na mangangailangan ito ng dagdag na $6.8 billion ngayong 2021 upang masiguro ang suplay para sa 92 developing nations.

Base sa available sales figures, sinabi sa liham na ang mga mayayamang bansa na kumakatawan sa 16% ng pandaigdigang populasyon ay nakuha na ang 70 porsiyento ng vaccine doses—sapat upang mabakunahan ng ilang bases ang bawat mamamayan nila.

“Securing large quantities of vaccines in this way amounts to countries placing widespread vaccination of their own populations ahead of the vaccination of health-care workers and high-risk populations in poorer countries,” pahayag ni co-author Mark Jit mula London School of Hygiene and Tropical Medicine.

Sa liham, ipinanawagan nila sa mga manufacturers ang pagpapabilis ng technology transfer sa mga developing nations upang matulungan ang mga ito na makapag-produce ng bakuna sa kanila mismong bansa, gayundin sa pagkontrol ng presyo na tinawag nilang “prohibitively expensive” vaccines na kasalukuyang nasa merkado.

Dagdag pa nila, ang mga bakuna na develop ng China, India at Russia, kapag nabigyan ng awtorisasyon ng World Health Organization, ay malaking tulong sa mahihirap na bansa lalo’t mas simple ang kanilang suplay at paglalagak kumpara sa bakuna mula US at Europe.