LOS ANGELES (AP) — Balik-aksiyon si Anthony Davis at balik ang giting ng Los Angeles Lakers.

SINALUBONG sa ere ni LeBron James ng Lakers si Memphis Grizzlies

guard Ja Morant sa kainitan ng kanilang laro sa NBA. Nagwagi ang Los

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Angeles. AP PHOTO

Hataw si Davis, hindi nakalaro sa hyling dalawa ng Lakers, sa naiskor na 35 puntos, habang tumipa si LeBron James ng 28 puntps, siyam na rebounds at walong assists sa panalo ng Lakers, 115-105, kontra Memphis Grizzlies nitong Biyernes Sabado sa Manila.

Nanguna si Montrezl Harrell na may 14 puntos sa Los Angeles.

JAZZ 129, BUCKS 115

Sa Salt Lake City, ratsada si Rudy Gobert na may 27 puntos at 12 rebounds, sa panalo ng Utah Jazz kontra Milwaukee Bucks.

Kumana si Joe Ingles ng career high 27 puntos para sa ika-17 panalo sa 18 lato ng Jazz at makausad sa NBA-best 21-5. Umiskor si Donovan Mitchell ng 26 puntos at tumipa si Jordan Clarkson ng 25 puntos.

MAVS 143, PELICANS 130

Sa Dallas, nadomina ng Mavericks, sa pangunguna ni Luka Doncic na tumipa ng career-high 46 puntos, ang New Orleans Pelicans.

Nag-ambag si Kristaps Porzingis ng 36 puntos. Top player ng New Orleans si Zion Williamson na may career-high 36 puntos.

SPURS 125, HAWKS 114

Sa Atlanta, tumipa si DeMar DeRozan ng 23 puntos sa panalo ng San Antonio Spurs sa Atlanta Hawks.

“We just wanted to come out and make our stamp on the game early,” pahayag ni Spurs point guard Derrick White said.

Nag-ambag sina Keldon Johnson at Dejounte Murray ng 20 at 16 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Nanguna si Trae Young sa Hawks na may 25 puntos.

Sa iba pang laro, pinasuko ng Charlotte Hornets, sa pangunguna nina Terry Rozier na may 41 puntos at rookie LaMelo Ball na may 20 puntos at 11 rebounds, ang Minnesota Timberwolves,120-114; ginapi naman ng New York Knicks ang Washington Wizards, 109- 91.