ni Bella Gamotea

Dalawang pinaghihinalaang drug suspect ang napatay matapos mauwi sa enkwentro ang ikinasang buy-bust operation ng awtoridad sa Pasay City, nitong Biyernes ng gabi.

Dead on the spot ang mga suspek na kinilala lamang sa alyas “Ogag” ,nasa hustong gulang at alyas “Muslim”, nasa hustong gulang, nakasuot ng sublimated long sleeves, sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ni Pasay City Police chief, Col. Cesar Paday-os,nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni Maj. Cecilio Tomas Jr, laban sa suspek na si alyas “Ogag” sa Amazing Show Theater, Bgy. 76, sa nasabing lungsod dakong 9:45 ng gabi kamakalawa.

National

ALAMIN: Mga paunang lunas para sa sugat na dulot ng paputok

Sa gitna ng transaksiyon nakahalata umano ang dalawang suspek na pulis ang kanilang katransaksiyon na humantong umano sa pakikipagbarilan sa mga awtoridad na ikinamatay ng mga ito.

Narekober sa crime scene ang isang pakete ng shabu, isang hindi pa mabatid na caliber pistol, isang revolver, at isang motorsiklo. Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing kaso.