ni Merlina Hernando-Malipot
SA halip na mag-date, karamihan ng mga Pilipino magdiriwang ng Valentine’s Day ngayong araw ay mas nais bumisita sa simbahan at magdasal.
Base ito sa resulta ng national Social Weather Survey (SWS) na inilabas nitong Biyernes, Pebrero 12, kung saan 39 porsiyento ng adult Filipinos ang nagsabing magdiriwang ng Valentine’s Day. Habang 31% naman ang hindi sigurado at 27% ang nagsabing hindi nila ito ipagdiriwang.
“Among those who would celebrate Valentine’s Day, 45% would go to church or attend religious services,” ayon sa SWS. Sa datos na ito, 27% “would give gifts to their spouse or loved ones”; 25% “would prepare special food at home with their spouse or loved ones; at 11% “would send Valentine greetings through online or SMS.”
Samantala, binanggit din ng SWS ang iba pang plano ng mga Pinoy para sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, kabilang “sending Valentine greetings through letters or greeting cards, visiting their girlfriend or boyfriend; visiting tourist spots with their spouse or loved ones; serenading their spouse or loved ones in their house; greeting their loved ones in person; serenading their spouse or loved ones online and go out with their spouse or loved ones.”
Sa survey na isinagawa mula Nobyembre 21 hanggang 25, 2020, lumabas din na 50% ng mga tumugon ang nagsabing “their love life is very happy” habang 31% naman ang nasabing “it could be happier.” Habang 18% naman ang tumugon na “they do not have a love life.” Ayon sa SWS ang latest percentage mula sa mga nagsabing masaya ang kanilang buhay pag-ibig ay “lowest since the 49% in 2014.” Dagdag pa rito, “all-time high” ang latest percentage ng mga nagsabing wala silang ‘love life’ na nahigitan ang 14% na dating tala noong 2016, 2017, at 2019.
Pagbabahagi pa ng SWS, pinakamataas ang “happiness with love life” sa mga may asawa. “Happiness with love life peaks at 35-44 among men, at 25-34 among women,” base sa survey.
Dagdag pa ng SWS, ang November 2020 survey “found no significant connection” sa pagdiriwang ng mga tao ng Valentine’s Day at kaligayahan ng kanilang buhay pag-ibig sa takot at pananawa kaugnay ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).