ni Tara Yap
ILOILO CITY – Isang Pinay seafarer ang naiulat na nawawala matapos umanong mahulog mula sa sinasakyang barko sa karagatan ng Germany, kamakailan.
Ito ay nakilalang si Jerlyn Isah Quisumbing, 24, na nagtatrabaho sa Danish-flagged freighter Santa Clara.
“We are still in positive [spirit] that our child is still alive,” pahayag kahapon ng ama nito na si Richard Quisumbing.
“But we are also in a hurry that they will find her. Maybe she’s in a hospital somewhere,” dagdag pa nito.
Paliwanag naman ni Rossana, sinabihan sila na aksidente ang pagkahulog sa nasabing barko ng kanyang anak habang papalapit ag barko sa daungan ng Bremerhaven City sa northern Germany.
Nakarating lamang sa mga opisyal ng pamahalaan ang insidente sa tulong ng isang Pinay blogger at photographer na si Maria Josephine Renker na naka-base sa Germany.