Ni CHARISSA LUCI-ATIENZA
Tumutulong ang celebrity adoptive parents na sina Jimmy at LJ Alapag sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na itaguyod ang kampanya nito upang maipalaganap ang unconditional love sa pamamagitan ng legal adoption.
“It’s important, not only for the parents, but also for the child. To protect you as parents, for the child, just to make sure they’re really a part of your family and done legally,” sinabi nila sa isang mensahe sa Facebook page ng DSWD.
Binanggit ng mga Alapag, adoptive parents sa kanilang pitong taong gulang na anak na si Ian Maximus, ang kahalagahan ng pag-aampon ng ligal upang maprotektahan ang pinakamagandang interes ng mga ampon.
“We’re thankful for the process, we’re thankful for the blessing of our son. It’s a joy for both of us to just see him grow up into his own personality and the things that he loves and is passionate about. And that won’t be a bit possible without getting into the adoption process,” anila.
Sina LJ, isang artista, at si Jimmy, coach ng San Miguel Alab Pilipinas, sa wakas ay inuwi si Ian noong 2014.
Nakilala ni LJ si Ian sa Grace to be Born, isang maternity home at nursery sa Pasig City.
Ilang araw matapos dalhin si Ian sa kanilang bahay, nalaman ni LJ na siya ay nagdadalang-tao sa kanilang unang biological child na si Keona Skye, ngayon ay limang taong gulang na.
Noong 2017, ang mga Alapag ay nabiyayaan ng isang anak na lalaki na pinangalanan nilang Calen Asher.
Noong August 2020, inihayag ng mag-asawa, na ikinasal noong 2010, sa kanilang YouTube video na sila ay expecting another child.