Muling pinabilib ni Filipina tennis prodigy at Globe ambassador Alex Eala ang international tennis crowd nang silatin si seventh- seed Cristina Bucsa ng Spain, 2-6, 6-3, 7-6, sa second round ng International Tennis Federation (ITF) W25 Grenoble nitong Huwebes sa France.

EALA: Tuloy ang dominasyon

sa beteranong karibal

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Malamya ang simula ni Eala na nagawang madomina ng b e t e r a n o n g karibal na si Bucsa, No.164th-ranked player sa Women’s Tennis Association (WTA) singles rankings, ngunit hindi nagpatinag ang 15-anyos Pinay na kasalukuyang No. 903 sa WTA ladder para maipuwersa ang decider.

Hatawang nakaririndi ang ibinigay ng magkabilang panig na nagresulta sa 6-6 deadlock tungo sa tiebreaker game na napagwagihan ng tennis teen sensation sa 10-8.

Bunsod ng panalo, umusad si Eala sa quarterfinals ng US$25,000 professional tournament. Sunod niyang makakaharap ang magwawagi sa duwelo nina Maja Chwalinska ng Poland at hometown favorite Gaelle Desperrier.