ni Marivic Awitan
HINDI na rin matutuloy ang dapat sana’y Doha bubble para sa third window ng 2021 Fiba Asia Cup qualifiers.
Ito ang ibinalita ng Saudi Basketball Federation, isa sa mga nakatakdang maglaro sa nasabing bubble sa Qatar, ayon na rin umano sa international governing body for basketball dulot ng dumaraming kaso ng COVID-19 sa Middle Eastern country.
Ang Gilas Pilipinas ay isa rin sa mga koponang nakatakdang magtungo ng Doha upang lumaro sa huling yugto ng qualifiers sa Pebrero 18 - 23 na magtatslaga kung sinu-sino ang mga uusad sa continental tilt sa Agosto. Sa Sabado na angnakatakdang pag-alis ng Philippine men’s basketball team ngunit hanggang kahapon habang sinusulat ang balitsng ito sy wala pa silang natatanggap na komunikasyon mula sa FIBA kung dapat pavsilang tumuloy o hindi.
Naghihintay pa sila ng official statement mula sa FIBA hinggil sa estado ng nasabing 3rd window games.
Kung totoong kanselado na ang Doha bubble, tatlong grupo sa qualifiers ang apektado nito.
Ang mga ito ay ang Group A na kinabibilangan ng Gilas, Korea, Thailand at Indonesia; ang Group B, na binubuo ng China, Japan, Chinese Taipei at Malaysia at ang Group E na binubuo ng Iran, Syria, Saudi Arabia, at ng host Qatar.
Nauna rito, nagpasabi ng hindi lalaro ang Chinese Taipei at Malaysia dahil pinag-iingatan nila ang kalusugan ng kanilang mga teams.