KUMIKIG ang underdog Far Eastern University sa kabuuan ng duwelo para makasama sa top 10 ng pamosong Kasparov Chess Foundation University Cup via online.

Pinangunahan ni Darry Bernardo, miyembro ng national para chess team na tumapos sa ikalima sa FIDE Olympiad for People with Disability sa nakalipas na taon, ang Tamaraws sa naiskor na walong puntos sa siyam na laro sa Board 4, tampok ang panalo laban kay International Master Harshit Raja ng University of Missouri A.

Kasama rin sa FEU’s team A sina Jeth Romy Morado, Rhenzi Kyle Sevillano, John Merill Jacutina at alternate Kristian Glen Abuton. Tumapos sila na table sa No.7 kasama ang Greece’s National Technical University of Athens A, ang United States’ St. Louis University A at Russia’s Moscow Institute of Physics and Technology A na parehong may iskor na 6.5 puntos.

Ngunit, nakuha ng reigning UAAP champion ang No. 10th via tiebreakers.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Matikas ang kampanya ng koponan na naglaro na walang kasamang titled player laban sa mga koponan na kinabibilangan ng powerhouse University of Texas at Rio Grande A, na nagkampeon.

Kabilang sa UTRGA sina Grandmasters Vladimir Fedoseev at Sanan Sjugirov, na kumana ng pinagsamang 15 puntos sa torneo na nilahukan ng 571 chessers, kabilang ang 17 GMs, 11 IMs, 16 FIDE Masters, one Woman GM at four WFMs mula sa 125 teams ng kabuuang 24 bansa.

“We are so fortunate despite of the pandemic the FEU Sports programs continues especially in Chess. We owe our success to FEU management,” pahayag ni national women’s and FEU coach GM Jayson Gonzales, nagpasalamat din sa suporta nina FEU chairman Aurelio R. Montinola III at athletic director Mark Molina.