SAN FRANCISCO (AP) — Masayang nakipagbalitaktakan si Magic coach Steve Clifford kay Stephen Curry bago sa pregame bago ang laro sa Golden State Warriors.
Toronto Raptors’ Norman Powell at Aron Baynes sa pagtatangkang makaiskor sa lay-up sa
kaagahan ng kanilang laro sa NBA. Nagwagi ang Celtics. (AP PHOTO)
Sanggang-dikit niya ang ama ni Curry na si Dell. Sa post-game, hindi na niya nabigyan ng pansin si Curry, na lubhang nagpahirap sa kanyang tropa.
Muling sumiklab ang opensa ni Curry na kumana ng 40 puntos, tampok ang 10 three-pointer, walong rebounds at limang assists para sandigan ang Warriors sa 111- 105 panalo laban sa Magic nitonbg Huwebes (Biyernes sa Manila).
“I just told him he looks great, he looks quick, he looks healthy, he looks like he’s loving it,” pahayag ni Clifford. “He’s playing as well or better than he was before.”
Tumapos si Curry na may 10 for 19 sa kanyang teritoryo. Naitala ng two-time MVP ang hindi bababa sa tatlong three-pointer sa 13 sunod na laro.Kumana ang Warriors ng kabuuang 20 of 50 sa three pointer at franchise record na 30 attempt sa first half.
“It is routine, which is the crazy part of it. You just come to expect it,” sambit ni coach Steve Kerr. “These 3s that he hits when there’s nothing there offensively and he just uses his dribble to free himself up, not exactly with a ton of space just a few inches of space, then he rises up and you expect every one of them to go in, it’s just crazy.”
Nag-ambag si Draymond Green ng 11 assists sa Golden State, nagbalik sa Chase tangan ang 2-2 record sa road trip, habang kumana si Kelly Oubre Jr. ng tatlong 3s para sa kabuuang 17 puntos at 10 rebounds.
Nanguna si Nikola Vucevic sa Magic na may 25 puntos, 13 rebounds at limang assists.
BLAZERS 118, SIXERS 114
Sa Portland, hataw si Damian Lillard sa naiskor na 30 puntos sa panalo ng Trail Blazers kontra Philadelphia.
Nag-ambag si Carmelo Anthony ng 24 puntos mula sa bench para sa ikaapat na panalo sa huling limang laro.
Kumasa si Joel Embiid ng 35 puntos at siyam na rebounds, at tumipa si Ben Simmons ng 23 puntos at 11 rebounds sa Sixers.
HEAT 101, ROCKETS 94
Sa Houston, naitala ni Jimmy Butler ang triple-double -- 27 puntos, 10 rebounds at10 assists -- sa panalo ng Miami Heat laban sa Houston Rockets.
Nakopo ng Miami ang apat na sunod na panalo matapos ang pitong kabiguan saw along laro.
“We’re just gaining more and more confidence,” sambit ni Butler.
PACERS 111, PISTONS 95
Sa Detroit, kumana si Domantas Sabonis ng 26 puntos, walong rebounds at walong assists para gabayan ang Indiana Pacers laban sa Pistons at putulin ang four-game losing streak. Tumipa si Malcolm Brogdon ng 18 puntos at kumana si Jeremy Lamb ng 17 para sa Pacers.
Sa iba pang laro, ginapi ng Boston Celticsm sa pangunguna ni Semi Ojeleye na may career-high 24 puntos, tampok ang anim na 3-pointers, ang Toronto Raptors.