ni Jerry Alcayde
ORIENTAL MINDORO – Sinuspindi ng Calapan City government ang business permit ng isang Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC) habang isinasagawa ang imbestigasyon dahil sa mga reklamo.
Ito ay matapos atasan ni City Legal Officer Jesus Franco Lasquite, si Josefina Villamor, may-ari ng JCV Motor Vehicle Inspection Center, na itigil na muna ang kanilang operasyon hanggang hindi pa nareresolba ng Sangguniang Panlalawigan ang usapin.
Ayon sa provincial government ng Mindoro, sinisilip na nila ang mga reklamo, legalidad at constitutional issues laban sa kinukuwenstiyon na kautusan ng Department of Transportation (DOTr) at land Transporation Office (LTO) noong Oktubre para sa pagtatayo ng automated vehicle inspection facilities sa bawat rehiyon upang sumuri sa roadworthiness ng bawat sasakyan bago pa ito irehistro.
Kaugnay nito, nanawagan naman sa pamahalaan si Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor na suspendihin muna ang pagpapatupad ng nasabing kautusan ng DOTr at LTO.