ni Joseph Pedrajas
Dismayado si Quezon City Mayor Joy Belmonte nang matuklasang inilipat sa lungsod ang isang dating overseas Filipino worker (OFW) sa Korea kahit nahawaan na ito ng United Kingdon (UK) variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19)
Sa report, dumating sa bansa ang 35-anyos na lalaki mula sa Korea noong Agosto ng nakaraang taon.
Habang inilalakad nito ang kanyang papeles para sa pag-uwi sa Liloan, Cebu, nanunuluyan muna ito sa Parañaque hanggang sa masuri ito na positibo siya sa COVID-19.
Naiulat na ang nasabing pasyente ay naka-quarantine sa isang apartment of Quezon City kung saan ito inilipat ng kanyang agency.
Bago ito, naka-isolate muna ang pasyente sa isang hotel sa Maynila matapos mahawaan ng UK variant.
Ipinangako naman ni Belmonte na isasailalim nila sa COVID-19 test ang isang komunidad sa Riverside sa Bgy. Commonwealth sa lungsod, kung saan naka-quarantine ang pasyente