NEW YORK (AP) — Walang Kevin Durant, walang problema sa Brooklyn Nets.
Hataw si Kyrie Irving sa naiskor na 35 puntos at walong assists para sandigan ang Nets sa dominanteng 104-94 panalo kontra Indiana Pacers nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila).
Nag-ambag James Harden ng 19 puntos at 11 rebounds para tuldukan ang three-game losing skid ng Nets. Inaasahang magbabalik aksiyon si Durant na hindi pinaglaro sa nakalipas na tatlong laro bunsod ng coronavirus health and safety protocol issue, sa duwelo laban sa Golden State – ang dating koponan – sa Sabado (Linggo sa Manila).
Lumubo ang bentahe ng Nets sa 32 puntos sa halftime.
CLIPPERS 119, WOLVES 112
Sa Minneapolis, naitala ni Kawhi Leonard ang season-high 36 puntos at kumana si Lou Williams ng 27 puntos mula sa bench sa panalo ng Los Angeles Clippers sa Minnesota Timberwolves.
Naisalpak nina Leonard at Williams ang krusyal opensa, kabilang ang magkasunod na three-pointer ni Leonard para mailayo ang iskor ang tuldukan ang two-game losing streak.
MAVS 118, HAWKS 117
Sa Dallas, Hataw si Luka Doncic sa naiskor na 28 puntos, tampok ang krusyal jumper sa kritikal na sandali para mailusot ang Dallas Mavericks sa makapigil-hiningang duwelo laban sa Atlanta Hawks.
Kumana rin si Doncic ng 10 assists at 10 rebounds para sa ikapitong triple-double ngayong season.
RAPTORS 137, WIZARDS 115
Sa Washington, naitala ng Toronto Raptors ang 19 three-pointer tungo sa dominanteng panalo laban sa Wizards.
Umiskor si Norman Powell ng 28 puntos, kumana si Pascal Siakam ng 26 at tumipa si Kyle Lowry ng 21 puntos.