ni Annie Abad
PATULOY ang pakikipag-ugnayan ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Philippin Amateur Track and Field Association(PATAFA) hinggil sa naantala nitongbubble training sa New Clark City (NCC) sa Pampanga.
Ito ang siniguro ni Chief of Staff and National Training Director Marc Velasco kamakailan.
Sinabi ni Velasco na may mga bagay pang kailangan na plantsahin hinggil sa nasabing training ng Athletics team. “ Some things had to be ironed out. We cannot take things for granted. Bases Conversion and Development Authority (BCDA) assured that it is safe, but some things have to be coordinated,” sambit ni Velasco.
Ang PATAFA team ay dapat na nakapagsimula na ng kanilang bubble training noong unang linggo pa lamang ng Pebrero sa NCC. Ngunit dahil sa lumalalang kaso ng second strain ng virus ay pinili ng mga kinauukulan na ipagpaliban ito.
Samantala, maayos naman ang kasalukuyang bubble training ng ng mga Olympic hopefuls at Olympic bound athletes sa Inspire Sports Academy saCalamba Laguna. Kabilang sa mga nasa loob ng bubble training ay ang mga atleta ng boxing, karatedo at taekwondo na ngayon ay nasa ikaapat na linggo na ng kanilang ensayo