ni Ellson A. Quismorio
Isinusulong ng Department of Environment and Natural Resources-Biodiversity Management Bureau (DENR-BMB) ang isang bagong uri ng therapy sa bansa na tinawag na “forest bathing,” na isang Japanese innovation.
“I firmly believe that forest bathing can also be a hit in the Philippines as long as we protect and conserve our forests especially our protected areas and our wetlands,” sinabi ni DENR Secretary Roy A. Cimatu sa isang pahayag nitong Martes.
Inihayag ng DENR na pumasok ito sa isang pakikipagsosyo sa pribadong sektor para sa paglikha ng mas maraming green spaces o mga luntiang espasyo sa mga lunsod na lugar sa pamamagitan ng “Urban Forest Bathing Project,” na bahagi ng Urban Biodiversity Program ng BMB.
“The Urban Forest Bathing Project not only will help the environment, as more trees and land spaces will be used for this if deemed successful; it will also help the people nourish their mental and emotional well-being,” sinabi ni Cimatu, idinugtong na ito ay “a win-win for both the environment and the people.”
Ang forest bathing ay batay sa isang konseptong Hapon na tinatawag na shinrin-yoku, na ang shinrin ay nangangahulugang “gubat,” at yoku na nangangahulugang “naliligo.” Binuo sa Japan noong 1980s, ang forest bathing ay nangangahulugang pagkuha sa kapaligiran ng kagubatan habang naglalakad na nagliliwaliw
Idinagdag pa ng environment chief na inaasahan niya ang promosyon ng BMB ng forest bathing sa mga lugar sa lungsod dahil ang kalusugan ay lalong nagiging prayoridad para sa mga taong naninirahan sa mga siyudad.
Ang proyekto, na saklaw ng isang Memorandum of Understanding (MOU), ay isasagawa sa pakikipagtulungan sa Philippine Tropical Forest Conservation Foundation (PTFCF), ng Philippine Association of Landscape Architects (PALA), at ng Philippine Institute of Environmental Planners (PIEP ).
Sa ilalim ng MOU, mamumuno ang BMB sa pagpapatupad ng proyekto sa kinauukulang regional at field offices ng DENR at mga local government unit (LGU), maglabas ng mga rekomendasyon sa patakaran at patnubay sa pagtatatag nito, at tutulong sa pagbuo ng detalyadong Site Development Plan ng bawat lugar na tinukoy para forest bathing sa lungsod.
Susubaybayan din nito at regular na susuriin ang progreso ng pagpapatupad ng urban forest bathing.
Magsasagawa ang PTFCF ng scientific at technical research upang makabuo ng kaalaman sa pangangalaga sa biodiversity ng lunsod at suporta sa urban forest bathing at pagbubuo ng mga patnubay sa patakaran para sa pagtatatag ng urban forest bathing. Makikipagtulungan ito sa BMB para sa paghahanda at pagpapatupad ng proyekto.