TULOY ang pagsabak ni Filipina tennis prodigy at Globe ambassador Alex Eala sa
International Tennis Federation (ITF) W25 Grenoble sa Grenoble, France.
Ito ang ika-apat na sunod na professional tournament para sa 15-anyos tennis ace, tinanghal na kauna-unahang Pinay na naging kampeon sa ITF singles event nang pagbidahan ang first leg ng ITF W15 Manacor.
Sa kabila ng kabiguan namahirit sa sumunod na dalawang leg, sapat na matikas na kampanya ni Eala para tumaas ang kanyang ranking sa ITF at sa Women Tennis Association (WTA).
Makakaharap ni Eala sa opening match ang matikas na si Laura-Ioana Paar ng Romaniam kasalukuyang 190th-ranked player sa WTA singles rankings at tangan ang 13 titulo sa career. Galing si Paar sa 3-6, 2-6 kabiguan kay Belgian netter Maryna Zanevskasa qualifyingdraw ng Australian Open.