ni Nitz Miralles

Pinu-problema ng ibang tao ang pagdagdag ng timbang ni Angel na nakakatawa dahil ang aktres nga, hindi ito problema. Pero ang ibang tao, big deal sa kanila ang laki nang inilaki ng katawan ni Angel.

Ellen Adarna, nag-face reveal ng baby girl nila ni Derek Ramsay

Kahit ipinaliwanag na i Angel na dala nang iniinom na gamot for her spine ang rason ng kanyang pagtaba, may mga hindi pa rin matanggap na lumapad si Angel. Ang maganda lang, hindi man sumagot si Angel sa mga comment sa kanyang paglaki, ang kanyang fans ang dumedepensa sa kanya.

Hindi bale na raw mataba dahil may pag-asa pang pumayat e, ang pagiging laitera wala ng gamot. Saka si Angel, tumaba man o pumayat, maganda pa rin at may pera. Ang ibang artista nga hanggang nayon nangungupahan pa rin.

Speaking of Angel, ang balita, this year na ang kasal nila ng fiance niyang si Neil Arce. Malapit na malapit na raw sila humarap sa altar at natutuwa ang mga kaibigan ng couple para raw may kasama na si Angel at may nag-aalaga sa kanya.