ni Fer Taboy

Payag ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na gamitin ang kanilang kampo sa buong bansa bilang vaccination center sa sandaling simulan ang pagbabakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang sinabi nina AFP Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana at PNP chief Debold Sinas.

Anila, bukas ang kanilang mga kampo para sa nasabing pagbabakuna kung kinakailangan.

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

Ayon kay Sobejana, suportado ng AFP ang vaccination program ng pamahalaan at bilang tulong ay imo-mobilize nila ang kanilang mga ground, sea and air assets upang makarating ang mga bakuna sa iba’t ibang parte ng bansa.

Siniguro rin ni Sobejana na hindi nila ibababa ang kanilang alert level lalo na doon sa mga lugar na mataas ang banta ng terorismo.

Sinabi namna ni PNP Spokesperson B/Gen. Ildebrandi Usana, depende na lang ito sa “arrangement” na gagawin ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa sa nationwide vaccination program.